
Nakatakdang magsampa ng kaso ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Department of Justice (DOJ) sa Biyernes na may kinalaman sa pagkamatay ng Ateneo athletes na sina Rene Baterbonia at Divine Adili noong June 8.
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, nasa final stage na ngayon ang imbestigasyon sa kaso dahil kakaunti na lamang ang kinakailagang tanungin kaugnay ng insidente.
Ayon kay Remulla, ilan sa mga naipatawag ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP – CIDG) ay ang Ateneo de Manila University (ADMU) Fr. Roberto Yap na nagtungo at si MVP Sports Foundation founder Manuel V. Pangilinan na inaasahang magtungo sa CIDG.
Si Pangilinan ay primary athletic benefactor para sa Ateneo Blue Eagles basketball program may ilang dekada na ang nakararaan.
Natanong na aniya si Fr. Nemesio “Nemi” Que, ang vice president for social development ng Ateneo na nangangasiwa sa oversees student at athletics formation programs.
Sa nakaraang dalawang linggo, nasa halos 100 witnesses na at nasa 1,200 pages na ng testimonya ang nakuha sa mga nakibahagi noon sa team building.










