Wednesday, June 24, 2026

57 pampublikong paaralan na naapektuhan ng shooting incident sa isang eskwelahan sa Bacolod City, nagbukas na muli

Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) na nagbukas na muli ang klase sa 57 pampublikong paaralan sa dibisyon ngayong araw ng Miyerkules matapos itong masuspinde kasunod ng nangyaring pamamaril ng dalawang estudyante sa ilang kapwa-mag-aaral sa San Jose National High School in Tacloban City.

Kaugnay nito, pansamantala namang inilipat sa Education in Emergencies (EiE) modalities ang mga lubhang naapektuhang paaralan tulad ng San Jose Central School at Manlurip Elementary School.

Habang pinalawig naman ang suspensyon ng klase sa San Jose National High School hanggang June 26, 2026.

Kaugnay nito, ipinag-utos ni Education Sec. Sonny Angara ang school-level review sa pagpapatupad ng Guidelines on Ensuring a Safe and Motivating Learning Environment (ESMLE).

Kaakibat nito ang mga hakbang laban sa bullying sa ilalim ng Anti-Bullying Act of 2013 , gayundin ang mga school-based mental health at mga programang psychosocial support.

Iginiit ng kalihim na ang mga mekanismong ito ay dapat nakaakma sa mga protocol ng
Philippine National Police (PNP), Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at ng mga lokal na pamahalaan (LGUs).

Facebook Comments