Wednesday, June 24, 2026

Aksyon laban sa pagdami ng kabataang nasasangkot sa krimen, hindi dapat iasa lang sa gobyerno —Malacañang

Hindi dapat iasa lamang sa gobyerno ang paghubog ng disiplina at tamang asal ng mga kabataan.

Ito ang diin ni Communications Undersecretary Claire Castro sa gitna ng panawagang ibaba ang edad ng pananagutang kriminal matapos ang mga krimeng kinasasangkutan ng mga menor de edad.

Ayon kay Castro, mas mulat na ang mga kabataan ngayon kaya may ilan umanong nagkakaroon ng lakas ng loob na gumawa ng mali kapag naniniwalang hindi sila mananagot sa batas.

Binigyang-diin niya na nagsisimula sa tahanan ang paggabay sa mga bata, sa tulong ng mga magulang, guardian, guro, at komunidad.

Dagdag pa ni Castro, kailangan ang mas mahigpit na paggabay sa mga kabataan lalo na sa impluwensya ng social media at mararahas na nilalamang madaling mapanood online

Facebook Comments