Friday, June 19, 2026

US-Iran agreement, posibleng maging simula ng pangmatagalang kapayapaan— Russian Pres. Putin

Umaasa ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Russia na makatutulong ang bagong kasunduan ng Estados Unidos at Iran upang mabawasan ang tensyon at maibalik ang katatagan sa Middle East at Persian Gulf.

Ayon kay Russian President Vladimir Putin, positibong hakbang ang kasunduan ng US at Iran at maaari itong maging simula ng mas matagal na kapayapaan sa rehiyon.

Mahalaga aniya ang naturang kasunduan hindi lamang para sa seguridad sa Middle East kundi pati na rin sa pandaigdigang ekonomiya.

Kapag humupa ang tensyon sa rehiyon, posibleng maging mas matatag ang suplay at presyo ng pagkain at enerhiya sa buong mundo na matagal nang naaapektuhan ng mga sigalot sa lugar.

Ang sitwasyon sa Middle East ay isa sa mga mahahalagang usaping tinalakay ng mga lider ng ASEAN at Russia sa ginanap na ASEAN-Russia Commemorative Summit sa Kazan.

Facebook Comments