
Hindi mabubura ng paulit-ulit na denial o pagtanggi ni Vice President Sara Duterte ang katotohanan na may kinausap itong tao para patayin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr, First Lady Liza Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.
Reaksyon ito ni House Impeachment Adviser and Spokesperson Robert Ace Barbers sa panibagong press statement ni VP Sara na nagde-deny sa kanyang pagtatangka sa buhay ng pangulo at iba pang personalidad.
Diin ni Barbers, hindi mabubura ng bagong press statement ang lumang video na napanood na ng buong bayan kung saan mismong si VP Duterte ang nagsasabing may kinontrata siyang papatay sa pangulo.
Giit ni Barbers, ang mismong pahayag ni VP Sara ay isang napakabigat na ebidensya para sa ika-apat na article of impeachment patungkol sa grave threats at inciting to sedition.










