Wednesday, July 15, 2026

Sen. Rodante Marcoleta, nasa loob na ng Quezon City Jail Male Dormitory sa Payatas, Quezon City

Inilipat na si Senator Rodante Marcoleta sa Quezon City Jail Male Dormitory sa Payatas, Quezon City ngayong Miyerkules ng umaga, July 15.

‘Yan ay pagkatapos na pagkatapos ng pagdinig ng Sandiganbayan 3rd Division sa estado ng kalusugan ng senador, base sa medical report na isinumite ng University of the Philippines – Philippine General Hospital (UP-PGH), kung saan lumabas na cleared na sa pnumonia at kontrolado na rin ang blood pressure ng senador, at wala na umanong nakikitang medical conditions na magre-require sa senador para ma-confine sa ospital.

Sa pagdinig ng Sandiganbayan 3rd Division, sinabi rin ni Legazpi na ligtas na ang kalagayan ng senador ngunit kailangan pa rin umano nitong i-isolate.

Kinuwestyon naman ng kampo ng senador si Dr. Gerardo Legaspi, director ng UP-PGH na tumestigo ngayong umaga, kung sapat ba ang dalawang oras na pagka-conduct ng independent medical examination sa senador gayong inabot umano ito ng dalawang araw sa Philippine National Police (PNP) -General Hospital.

Gayunpaman, mariing iginiit ni Legazpi na nag-imrpove na umano ang karamdaman ng senador nang dalhin sa UP-PGH dahil na rin sa tulong ng mga gamot at antibiotics na prinescribe ng PNP-General Hospital sa Senador, simula pa noong July 6.

Matatandaang sinabi ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Jail Superentindent Maria Lourdes Pacion sa pagdinig ng parehong kaso nung nakaraang linggo na kaya umanong i-accomodate ng jail facility ang anumang kakailanganin ng senador at may sapat umano silang espasyo para i-isolate ang senador at hindi maisama sa ibang person deprive of liberty (PDL).

Facebook Comments