
Kuntento si Education Sec. Sonny Angara sa Active Shooting Drill na isinagawa sa Manila Science High School, ngunit aminado ang kalihim na may mga dapat pang gawing hakbang para mas lalong maging handa ang mga estudyante at guro.
Sinabi ni Angara na may mga susunod pa na ganitong uri ng drill sa ibang paaralan para magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga guro, estudyante, mga magulang, at mga awtoridad.
Isa sa mga layunin nito ay mapalakas pa ang mga security efforts ng Department of Education (DepEd) para masiguro ang kaligtasan at seguridad ng mga school personnel at mga estudyante, kasunod ng mga naitatalang school violence partikular sa isang paaralan sa Tacloban.
Iba’t ibang scenario ang ginawa upang malaman ng mga mag-aaral at guro ang gagawin sa mga hindi inaasahang insidente.
Pinasalamantan naman ni Angara ang partisipasyon ng lahat ng mga estudyante at guro sa naturang paaralan gayundin ang pakikipagtulungan ng Manila Police District (MPD), National Capital Region Police Office (NCRPO), at Bureau Of Fire Protection (BFP) Manila.










