Kinatawan ng Isabela sa Miss Universe Philippines 2020, Isang Dentista

4144

*Cauayan City, Isabela*- Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng kinatawan ng Isabela para sa Miss Universe Philippines 2020 na idadaos sa MOA Arena sa darating na May 3,2020.

Ayon kay Bb. Regina Malana, hinihikayat niya ang mga Isabeleño na suportahan ito sa isa sa mga malaking beauty pageant sa bansa.


Si Bb. Regina Malana, 26 anyos, tubong Brgy. Quirino sa Naguilian, Isabela ngunit nagpapratice ito sa kaniyang propesyon bilang isang dentista.

Sinabi pa ni Bb. Malana na masaya siya at napabilang siya sa isang prestihiyosong pageant sa bansa.

Nagtapos ng high school sa Philippine Sunrise International School sa Saudi Arabia habang nagtapos ito sa kolehiyo sa kursong Doctor of Dental Medicine sa University of the East noong 2018 at agad din itong nakapasa sa pagsusulit bilang dentista.

Panganay ito sa limang magkakapatid habang ang kanyang mga magulang ay isang Dentista at Retired Production Manager ng isang pribadong kumpanya.

Facebook Comments