Saturday, April 18, 2026

Seguridad ni dating congressman Zaldy Co, dapat tiyakin

Pinapatiyak ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste ang seguridad ni dating Congressman Zaldy Co dahil marami umano ang gustong ito ay patahimikin.

Diin ni Leviste, mahalaga ang kaligtasan ni Co upang malaya itong makapagtestigo kaugnay sa insertions sa national budget at maanumalyang flood control projects.

Sinabi ito ni Leviste, kasunod ng anunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na naaresto na si Co sa Prague, Czec Republic.

Umaasa si Leviste na kapag nakauwi sa Pilipinas si Co ay masasagot na nito ang mga alegasyong kinakaharap na hindi nito masagot dahil nasa abroad siya.

Giit ni Leviste, sa oras na makabalik sa bansa si Co ay kailangan na rin managot ang mga taong pinangalanan nito na sangkot sa katiwalian.

Facebook Comments