
Patuloy ang koordinasyon ng pamahalaan sa mga awtoridad sa Czech Republic kaugnay kay Zaldy Co, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa Pangulo, hinarang si Co sa border ng Germany matapos itong pumasok mula sa Czech Republic.
Dahil dito, hindi siya pinayagang makapasok sa Germany at ibinalik sa kustodiya ng mga awtoridad ng Czech Republic, kung saan nananatili siyang nakakulong.
Patuloy namang mino-monitor ng pamahalaan ang sitwasyon habang isinasagawa ang kaukulang legal na proseso.
Facebook Comments










