Kongresista na sumita sa planong kanlungin ng Senado si Sen. Bato dela Rosa, tinabla ni Senate President Chiz Escudero

Sinopla ni Senate President Francis Escudero si Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel na sumita sa plano ng Senado na kanlungin si Senator Ronald “Bato” dela Rosa oras na arestuhin ito ng International Criminal Court (ICC).

Ipinaalala ni Escudero sa kongresista na ang institutional courtesy na ibibigay kay Dela Rosa ay pareho lang din sa ibinigay ng Kamara sa tinaguriang Batasan 5.

Aniya, mga kapwa Party-list ito ni Manuel na noong 2006 ay naakusahang makakaliwa at kinasuhan ng rebelyon noong 2006 na nag-sanctuary sa loob ng Kamara sa loob ng mahigit dalawang buwan para hindi maaresto ng mga otoridad.

Iginiit ni Escudero na paiiralin ang parehong courtesy sa sinumang kasalukuyang myembro ng Kongreso anuman ang kulay, pinapanigang pulitika at mga kasong kinakaharap.

Pinayuhan ng Senate President si Manuel na huwag nang dagdagan pa ang galit at pagkakahati-hati ng mga Pilipino ngayon.

Sa halip aniya, dapat na matuto sa mga karanasan at aral ng kasaysayan na maaaring pakinabangan din nito balang araw.

Facebook Comments