
Binigyang-diin ni Senate President Alan Peter Cayetano na walang onsehan sa 13 myembro ng majority.
Bago magsimula ang sesyon ay natanong si Cayetano kung may mangyayaring leadership change sa plenaryo.
Iginiit ni SP Cayetano na buo ang 13 mayorya at sa kanilang 13 ay walang onsehan.
Nang matanong naman si Senator Imee Marcos kung buo pa rin ang mayorya, sagot ng senadora na solid 13 ang majority senators.
Si Senator Pia Cayetano naman ay walang nalalaman sa sinasabing pagpapalit ng liderato.
Matatandaang isinusulong ng Solid Bloc 11 o SB11 na ipalit kay Senate President Alan Peter Cayetano si Senator Sherwin Gatchalian.
Naunang sinabi ni Senator Risa Hontiveros sa pulong balitaan na mapapabuti para sa Senado kung si Gatchalian ang ipalit na SP.
Bagamat may mga negosasyon, malabo pang mangyari ang palitan ng liderato ng Senado dahil wala pang sapat na numero ang minorya para makuha ang majority bloc.










