Philippine Navy, magsasagawa ng live fire exercise

Nakatakdang magsagawa ng live-fire exercise ang Philippine Navy sa April 21, 2025 sa Mariveles, Bataan.

Ayon kay Philippine Navy Flag Officer in Command, Vice Admiral Jose Ma. Ambrosio Ezpeleta, lalahok sa pagsasanay ang kanilang mga vessels na may bow numbers PG908 at PG909.

Ang mga ito ay bahagi ng Acero-class patrol vessels na may high-speed operations at advanced missile systems para sa epektibong maritime interdiction operations.

Gagamitin din dito ang spike non-line-of-sight missile weapon systems sa dalawa nilang fast attack interdiction crafts.

Samantala, inanunsyo rin ni Ezpeleta ang paglahok ng Philippine Navy sa Balikatan Exercise ngayong Abril, kung saan ipapamalas ang kanilang kakayahan sa maritime strike gamit ang C-Star surface-to-surface, Spike NLOS, at Mistral surface-to-air missiles.

Facebook Comments