
Target ng Department of Energy (DOE) na lumahok sa pagbibigay ng fuel subsidy sa mga tsuper ang mahigit 8,000 gas stations sa buong bansa.
Kaugnay nito, inaatasan sila ng DOE na makiisa sa programa para mas mapabilis ang paghahatid ng tulong sa mga kwalipikadong tsuper.
Sa ngayon, mahigit 900 na gas stations na sa buong bansa ang nag-aalok ng fuel subsidy sa mga tsuper.
Partikular na makakakuha ng discount sa diesel ang mga rehistradong jeepney at UV Express drivers
Iginiit naman ng DOE na sapat na supply ng petrolyo sa bansa bagamat bumaba ang investory.
Facebook Comments










