
Kinatigan ng Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) ang kasong isinampa nang TV host na si Vic Sotto laban sa film director na si Daryl Yap na nahaharap sa kasong two counts of cyber libel.
Sa resolution na inilabas ng Muntinlupa Regional Trial Court kahapon, inirerekomenda ng prosecutor na kasuhan nang two counts of cyber libel si Yap kasunod ang kaukulang parusang pagkakakulong.
Sakali na makitaan ito ng probable cause ay maglalabas ng warrant of arrest ang korte laban kay Yap.
Nag-ugat ang kaso sa isang video teaser ng isang pelikulang hango sa buhay ni Pepsi Paloma, na inilabas ni Yap noong Enero kung saan binanggit ang pangalan ni Vic Sotto sa isang eksena.
Nagsampa agad si Sotto ng reklamong cyber libel laban kay Yap, pero nitong nakaraang Pebrero ay nauna nang kinatigan ng Muntinlupa City RTC na partially granted ang petisyon ni Sotto para sa writ of habeas data laban kay Yap at inutos ng korte na i-delete ni Yap ang mga teaser video ng kanyang pelikula.