Kooperasyon ng publiko para sa maayos na Traslacion, hiniling ng DILG

Hiniling na ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa publiko ang kooperasyon para maiwasan ang anumang aksidente sa prosisyon ng itim na Nazareno bukas.

Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año, wala raw saysay ang mga paghahanda ng mga local government unit at iba pang government entities kung hindi naman makikiisa ang publiko at mga deboto.

Nauunawaan ng DILG Chief ang pagpapahayag na pananampalataya ng mga deboto pero prayuridad pa rin ang hangarin na walang masaktan at maging ligtas ang lahat sa taunang selebrasyon.


Sinabi ni Año na kabuuang 13, 624 pulis ang ikakalat sa lahat ng lugar na dadaanan ng Traslacion.

Sa kabila na pinaikli ang ruta ng prosisyon, ginarantiyahan ng kalihim na magiging maayos at mapayapa ang prosisyon ng Itim na Nazareno.

Facebook Comments