
Inaresto ng Bureau of Immigration – Fugitive Search Unit (BI-FSU) sa sariling bahay nito ang isang high valued na Koreano na sangkot sa fraudulent investment scam sa Cruzada Street, Lungsod ng Makati.
Kinilala ang pugante na si Chu Hoyong, 35-anyos.
Ayon kay BI Commissioner Anthony Viado na nakatanggap sila ng ulat mula sa South Korea na nasa bansa ang dayuhan at gumagawa ng illegal activities.
Bukod pa rito, napag-alaman din na sangkot ang Koreano sa telecommunications fraud na posibleng nag-ooperate sa Pilipinas.
May nakabinbing arrest warrant ang akusado mula sa bansa nito tulad ng fraud at swindling.
Tinitignan naman kung konektado ang naarestong suspek sa telecom fraud syndicates na nag-ooperate sa bansa.
Kasalukuyang nanatili ang koreano sa BI ward facility sa Camp Bagong Diwa habang prayoridad ng ahensya na mapa-deport ito upang maging backlisted at mapigilan ang pagbalik muli nito sa bansa.