Nagsagawa ng kompetisyon at serye ng mga aktibidad sa Urdaneta City para sa “May-Kan Kulinarya Wars 2026” upang itampok ang lokal na sining sa pagluluto at mga tradisyunal na produkto ng lungsod.
Nagbukas ang programa sa pamamagitan ng “Battle of the Chefs” na idinaos sa Night Market, sa isang mall sa Perez Avenue. Sinundan ito ng awarding ceremony sa Old City Hall upang parangalan ang mga nagwaging kalahok sa pagluluto.
Kabilang din sa mga aktibidad ang pagpapakita ng tradisyunal na proseso ng paggawa ng tinapa sa pamamagitan ng isang live demonstration. Nagtapos ang programa sa isang paglilibot sa Bagsakan Trading Market upang ipakita ang supply at kalidad ng mga lokal na sangkap na ginagamit sa pamilihan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments











