Dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang naaresto sa magkahiwalay na buy-bust operations noong May 28, 2026 sa Dagupan City at Alaminos City, kung saan mahigit 20 gramo ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad.
Sa Dagupan City, nakumpiska mula sa suspek ang tinatayang 10 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na ₱68,000, na nakalagay sa dalawang heat-sealed plastic sachet.
Samantala, sa Alaminos City, nasamsam mula sa isang 29 anyos na tricycle driver na kabilang umano sa street-level individuals ang 10.5 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱71,400 at nakalagay sa apat na heat-sealed plastic sachet.
Ayon sa pulisya, isinagawa ang inventory at pagmamarka ng mga ebidensya sa lugar ng operasyon sa harap ng mga mandatory witnesses at mga suspek alinsunod sa Section 21 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











