Wednesday, May 27, 2026

Pag-revoke sa mga baril ni Sen. Bato, inaprubahan na ng PNP-FEO

Inaprubahan na ng Philippine National Police-Firearms and Explosive Office ang pag-revoke ng mga baril ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa.

Sa record ng FEO, mayroong Type 5 na LTOPF si Senator Dela Rosa, ibig sabihin nito maaari siyang magmay-ari ng 15 at higit pang armas at siya ay kinokonsiderang kolektor.

Lumalabas sa record na nasa 117 na mga baril nito ang pina-su-surrender na sa nasabing senador.

Kaugnay nito, mayroon na ring sulat sa PRO11 para magbigay ng impormasyon kay Senator Bato kaugnay ng revocation at pinasusuko na ito sa lalong madaling panahon.

Nabatid na kahapon ay sinabi ng FEO License Revocation and Restoration Board ng Philippine National Police na inirekomenda na nila ang pagrevoke ng mga lisensya ng baril ni Senator Dela Rosa.

Kung saan ang naging batayan para kanselahin at kumpiskahin ang mga baril na pagmamay-ari ng Senador ay sa ilalim ng Section 4G ng Republic Act 10591 na nagsasabing hindi kwalipikadong magmay-ari ang isang indibdwal na mayroong pending na criminal case.

Facebook Comments