Kuya Bodjie Pascua pinakasalan ang matalik na kaibigan sa edad na 64

Image via Facebook/Bodjie Pascua

Walang pinipiling edad ang pagmamahal at pagpapakasal.

‘Yan ang pinatunayan ni Kuya Bodjie Pascua, isa sa mga paboritong tauhan ng masa sa palabas na “Batibot” noong dekada ’90.

Sa presscon ng pinagbidahang indie film na “Pan de Salawal” noong Hulyo 21, inamin ni Kuya Bodjie na kanyang pinakasalan ang long-time partner at bestfriend sa edad na 64.


At naganap ang kanilang kasal nito lamang Enero ng kasalukuyang taon.

“Wala pa akong anak. Meron akong asawa. Kakakasal ko lang, would you believe? Nung January,” tugon ni Pascua sa reporter ng Push.com.

Kuwento pa niya, “I got married to my best friend and we’ve been friends since 1980s tapos naging on and off yung relationship namin. Then eventually we lived together and decided to get married.”

Ibinahagi din ng beteranong aktor na dismayado siya noon tuwing tinatawag na “Kuya Bodjie” ng publiko at mga kasamahan sa industrisiya kahit ibang karakter ang ginagampanan.

“There was a time na medyo naiinis na ako pero ngayong I’m in my 60s naakap ko na. Kasi kahit anong set ang salihan ko, kahit anong character ang i-play ko tinatawag nila si Kuya Bodjie pa rin ng mga tao. So I’ve learned to embrace it and love it,” salaysay ni Pascua.

Sa naturang pelikula, gumanap siya bilang “Sal”, isang panaderong may sakit sa bato.

Matapos humataw sa Cinemalaya Film Festival noong 2018, ipinapalabas na ngayon sa mga sinehan ang “Pan De Salawal”.

Facebook Comments