Wednesday, November 11, 2026

Labi ng Pinay OFW na nasawi sa bus accident sa Germany, naiuwi na sa Pilipinas

Dumating na sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sa Pasay City kagabi ang labi ng isang Pinay Overseas Filipino Workers (OFW) na pumanaw dahil sa accident bus sa A96 highway sa Germany.

Nakarating ang labi sakay ng Turkish Airlines flight TK0084 mula Munich na sinalubong naman ng naulilang pamilya kasama ang mga opisyal ng Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Ayon sa DMW, personal na inihatid ng pamahalaan ang taos-pusong pakikiramay sa pamilya ng nasawing kababayan habang inaayos ang mga kinakailangang suporta para sa kanila.

Matatandaang sakay ng bus ang humigit-kumulang 50 Pilipinong turista na nagmula sa Milan at patungo sanang Munich upang dumalo sa sikat na Oktoberfest Beer Festival.

Facebook Comments