Monday, November 9, 2026

Posibleng network ni Thomas Markle Ssr. sa pilipinas, iniimbestigahan ng PNP

Iniimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang posibleng network o mga indibidwal sa bansa na maaaring tumulong o nakibahagi sa umano’y mga aktibidad ng pagsasamantala sa bata ng Amerikanong si Thomas Markle Sr.

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., tutuntunin nila ang lahat ng lead, tutukuyin ang mga indibidwal na sangkot at titiyakin na mapapanagot ang mga ito sa batas .

Aniya, hindi lamang nito pananagutin ang pangunahing suspek sa nasabing kaso pati bubuwagin nito ang network na nagpapahintulot para mangyari ang naturang mga krimen.

Samantala,hinimok naman ni Nartatez ang mga nabiktima ni Markle na lumabas at magsumite ng reklamo para mapakalakas ang paglilitis laban sa kanya.

Facebook Comments