Lalaki gumamit ng washing machine pang-halo ng alak at juice, viral!

172

i Balita
July 06, 2019
(Photo From Web)
Lalaki gumamit ng washing machine pang-halo ng alak at juice, viral!
Kinagigiliwan ngayon ng netizens ang diskarte ng isang lalaki para mahalo agad ang alak sa tinimplang juice na kanyang ipapainom sa 200 bisita.
Ang sikreto ni Dean Albert Raynaldo sa mabilisang paggawa ng mixed cocktails – gumamit ng washing machine.
Kuwento ni Raynaldo, binili niya ang washing machine para magamit sa selebrasyon ng kanyang 25th birthday at baby shower ng misis.
At ang lasa ng flavored alcohol mula sa washing machine – perfect!
Sa ngayon, umabot na sa mahigit 4 million views ang DIY mixing ni Raynaldo at mga kaibigan nito.

Facebook Comments