
Pinagtibay nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at German President Frank-Walter Steinmeier ang matagal nang ugnayang diplomatiko ng Pilipinas at Germany sa kanilang bilateral meeting sa Malacañang ngayong Martes.
Sa pagpupulong, tinalakay ng dalawang lider ang mga usaping kapwa mahalaga sa dalawang bansa kabilang ang depensa, peacebuilding, maritime cooperation, kalakalan at pamumuhunan, climate change, renewable energy, at pagpapalakas ng people-to-people exchanges.
Nagpalitan din ng pananaw ang dalawang pinuno hinggil sa mga usaping panrehiyon at pandaigdig na may epekto sa seguridad, ekonomiya at kooperasyon ng kanilang mga bansa.
Ang bilateral meeting ay bahagi ng state visit ni Steinmeier sa Pilipinas, na itinuturing na mahalagang hakbang upang higit pang mapalalim ang relasyon at pagtutulungan ng Maynila at Berlin sa iba’t ibang larangan.










