
Umabot sa 2,183 ang kabuuang bilang ng mga residente ng Quezon City na tinamaan ng dengue, batay sa rekord ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Division simula noong January hanggang noong Martes, May 5.
Naitala rin dito ang 947 na kaso o 43% ng nasabing kabuuang bilang ng kaso ang nasa edad 10 taon pababa—ibig sabihin, pinakaapektado ang mga bata sa pagkaka-expose sa lamok sa bahay o sa komunidad, habang 12 katao naman ang namatay dahil sa dengue virus.
Dahil dito, nanawagan ang Quezon City Health Department sa publiko na sundin ang 4 na paraan Kontra Dengue — Sirain ang pinamumugaran ng lamok, Pagprotekta sa sarili, Suportahan ang fogging operations, at Kumonsulta agad sa doktor.
Matatandaang nakapagtala ang nasabing lungsod ng mahigit 11-K kaso ng dengue noong 2025 habang 48 residente naman dito ang namatay.










