Pagsusuot ng maikling short, ipinagbabawal na sa Caloocan 

Caloocan City – Ipinagbabawal na sa lungsod ng Caloocan ang walang suot na damit pang-itaas at pagsusuot ng maikling short sa mga kababaihan.

Batay sa City Ordinance 0439, bawal na ang walang damit pang-itaas at ang pagsusuot ng maiikling shorts sa pampublikong lugar.

Nakasaad sa ordinansa na bibigyan ng warning sa unang paglabag, multang P500 sa ikalawang paglabag at P1,000 multa at pagkakulong ng hindi hihigit sa dalawang araw sa ikatlong pagkakahuli.


Kung walang pambayad, magwawalis sa barangay ng dalawa hanggang apat na araw ang mga mahuhuling lalabag.

Facebook Comments