Friday, May 8, 2026

Malaking utang ng Pilipinas, minana ni PBBM sa nakaraang administrasyon —Palasyo

Dinepensahan ng Malacañang ang paglobo ng utang ng Pilipinas.

Ito ay matapos pumalo sa ₱18.49 trillion ang kabuuang utang ng gobyerno ng Pilipinas sa pagtatapos ng buwan ng Marso.

Mas mataas ito ng ₱328.3 billion o 1.81% kumpara sa utang ng bansa noong Pebrero.

Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro, hindi naman ngayon lamang lumaki ang utang ng bansa.

Minana rin daw ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., mula sa administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Binanggit din ni Castro na napabayaan umano ito dahil sa mga isyu sa pondo gaya ng Pharmally at mga umano’y ghost projects sa ilalim ng Build, Build, Build program ng nakaraang administrasyon.

Facebook Comments