Ipinakilala ng Dagupan City Police Office (DCPO) ang bago nitong internal guiding principles na tinawag na “BANGUS” acronym kasabay ng umiiral na ALERTO framework ng Philippine National Police sa lalawigan.
Ayon sa DCPO, ang “BANGUS” ay ang bagong magsisilbing gabay sa kanilang operasyon na nakatuon sa pagpapalakas ng disiplina at mas maayos na pagtugon sa pangangailangan ng kanilang nasasakupan.
Ang acronym ay kumakatawan sa Benevolent, Alert and Felt, Noble in Duty, Guided with Integrity, Upholding Peace and Order at Swift Service to God, Country and People.
Nilinaw ng himpilan na ang bagong framework ay nakaangkla sa ALERTO operational framework ng PNP.
Higit pa rito, ang hakbang ay inilatag kasabay ng bagong sa pamunuan ng Pangasinan Police Provincial Office, kaugnay ng mga umiiral na reorganisasyon sa hanay ng Philippine National Police sa Region 1. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










