Friday, May 22, 2026

Mga labor groups, nanawagan din na matanggal si Sen. Marcoleta bilang chairman ng Human Rights and Justice Committee

Nais ipatanggal ng ilang labor groups si Senador Rodante Marcoleta bilang chairman ng
Human Rights and Justice Committee.

Ayon kay Sonny Matula ng Nagkaisa Labor Coalition, may record si Marcoleta na nagre-red-tagged ng mga union leaders.

Ani Matula, ang paghawak ni Marcoleta sa naturang Komite ay posibleng maging political cover upang patahimikin ang mga manggagawa na nanawagan ng taas sahod at seguridad sa trabaho.

Maliban dito,inungkat ng grupo ang pagdidipensa ng Senador sa nangyaring extrajudicial killings sa war on drugs ng nagdaang administrasyon.

Binalikan din ng grupo ang pagsusulong ni Marcoleta noong 2024 House budget hearing na tapyasan ang Budget ng Commission on Human Rights.

Facebook Comments