Monday, May 18, 2026

Higit 13k na pamilya sa Makati, tumanggap ng tig-10 kilong bigas sa BBM Program ngayong umaga

Mahigit 13,000 pamilya sa Makati City ang nakatanggap ng tig-10 kilong bigas sa ilalim ng “Bawat Bayan Makikinabang” program na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Nasa higit 100 estudyante rin ang nabigyan ng scholarship assistance na nagkakahalaga ng tig-₱20,000.

Naglaan din ang pamahalaan ng tig-₱200,000 para sa 23 barangay sa lungsod na gagamitin sa mga proyektong pangkaunlaran sa komunidad.

Ayon sa pangulo, layon ng programa na mapabilis ang pagdadala ng tulong ng pambansang pamahalaan sa mga lokal na pamahalaan at mamamayan, at hindi lamang dahil sa epekto ng oil crisis.

Facebook Comments