Saturday, May 23, 2026

Isa sa mga TBM ng Metro Manila Subway Project na ibabyahe bukas, inaasahang magdadala ng mabagal na daloy ng trapiko sa ilang mga kalsada

Inaasahang magdadala ng mabagal na daloy ng trapiko ang pagbyahe ng isa sa mga Tunnel Boring Machine o TBM ng Metro Manila Subway Project Linggo, bukas May 24.

Ang nasabing TBM ay inaasahang ibabyahe simula Plaridel, Bulacan patungong North Avenue Station sa Mindanao Ave. Quezon City simula 2:45 am hanggang 6 am sa mga kalsada partikular na sa C3 Road, Araneta Avenue, Quezon Avenue, Elliptical Road at sa North Avenue.

Inaasahan naman ang presensya ng mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD) at Department of Public Order and Safety (DPOS) upang matiyak ang kaayusan ng daloy ng trapiko sa mga nasabing lugar.

Pinapayuhan din ng Quezon City Government ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.

Nabatid na ang nasabing TBM ay gagamitin sa konstruksyon ng mga tunnel na magdurugtong sa North Avenue Station at Quezon Avenue Station ng Metro Manila Subway Project.

Facebook Comments