Monday, November 9, 2026

Defense team ni VP Sara, hindi inaasahang matatanong ang trip to China ng kanilang unang testigo sa impeachment trial

Hindi inaasahan ng defense team ni Vice President Sara Duterte na matatanong ng prosekusyon ang naging biyahe patungong China ng kanilang testigo na si Engr. Jaime Adalin noong November 2025.

Ayon kay defense counsel Atty. Michael Poa, hindi rin nila alam ang nasabing personal na biyahe ng kanilang testigo.

Nang tanungin naman si Poa kung ano ang reaksyon nito sa tila na-focus ang mga senator-judges sa pagbiyahe ni Adalin imbes na sa usapin ng umano’y hindi maipaliwanag na yaman ni VP Sara, sinabi nito na wala silang kontrol dito at nirerespeto nila ang mga senator-judges.

Aniya, maaaring tinitingnan lamang ng mga senator-judges ang kredibilidad ng witness kaya ito naisama sa mga tanong sa kanilang unang testigo.

Samantala, sa hiwalay na pahayag, iginiit ni Vice Presidential Spokesperson Atty. Paolo Panelo na walang kinalaman sa mga alegasyon ng unexplained wealth laban kay VP Sara ang umano’y biyahe sa China ng kanilang defense witness.

Facebook Comments