LALAKI, SINAKSAK DAHIL UMANO SA PUSTAHAN SA BASKETBALL

https://youtu.be/lPiI1dm68bgNauwi sa trahedya ang dapat lamang sana na pustahan sa larong basketball sa San Carlos City, Pangasinan.

Personal na tinungo ng IFM Dagupan News Team ang pinangyarihan ng insidente sa bahagi ng Brgy. Talang, San Carlos City.

Sa impormasyong ibinahagi ng pamilya, natalo umano sa basketball ang suspek at noong siningil na sa bayad ay tumanggi ito, at parang siya pa umano ang nagalit.

Inilahad ng lola mismo ng biktima na nakilalang si Clifford Bakal, 32 anyos, ang sinapit ng kanyang apo, tatlong araw makalipas ang pustahan na inakalang tapos na.

Naunang hinampas din ng tubo ng suspek ang ang isa pang lalaking kasamahan ng biktima sa kanyang tuhod at isinusunod pa umano ang tiyuhin ng biktima, buti na lang umano at nakaiwas ito.

Sa mga sumunod pang nangyari, dumating ang nanay, tatay at kapatid ng suspek at dito na nangialam ang dapat na away lamang ng dalawa.

Tila natrauma ang isa pang menor na kaanak ng biktima dahil hinabol din ito ng mga suspek gamit ang motorsiklo at tinangkang saktan din.

Pagsisiwalat ng tiyahin ng biktima, baka umano ay binalak na ang krimen dahil pinipilit umanong palabasin ang biktima bago nagkikita kita ang mga ito at mangyari ang insidente.

Nananawagan ng hustisya ang buong pamilya sa sinapit ng kanilang kaanak. Hiniling ng mga ito ang tulong ng mga nakasaksi at awtoridad upang maipataw ang karampatang kaparusahan sa mga suspek.

Napag alaman na magkakamag-anak pa ang magulang ng biktima at suspek.

Nilinaw naman ng mga opisyales ng Brgy. Talang ang natatanggap na pambabatikos ukol sa Umano’y wala man lang nakastandby na mga barangay officials noong naganap ang insidente gayong sa harap ito ng barangay hall mismo nangyari.

Ayon sa kapitan ng barangay, limang tanod ang sumaklolo sa nasabing insidente.

Nakuhanan na ng panig ng pulisya ang mga nakasaksi at kasalukuyang pinoproseso na ang kaso para sa tamang disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments