3 SUGATAN SA BANGGAAN NG MOTORSIKLO SA MANGALDAN

Sugatan ang mga sakay ng dalawang motorsiklo matapos silang magbanggaan sa bahagi ng Brgy. Bari, Mangaldan, Pangasinan.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang unang motorsiklo ay minamaneho ng isang 42 anyos na lalake, residente ng Calasiao, habang ang ikalawang motor ay minamaneho ng isang babae, kasama ang backride nito, at pawang mga residente ng Mangaldan.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Mangaldan PS Deputy Chief of Police, PCpt. Vicente Abrazaldo Jr., inilahad nito ang naging sanhi ng disgrasya.

Napag-alaman na walang lisensya ang babaeng driver at wala rin itong suot na helmet, maski ang backride.

Parehong sugatan ang tatlo bagamat napuruhan umano ang walang helmet.

Muling paalala ni Abrazaldo ang pagsusuot ng protective gear bilang nararapat lamang na gawain ng mga motorista sa kakalsadahan bilang pamprotekta. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments