Lalaki, Sugatan Matapos Bugbugin ng 2 Binata!

80

*Cauayan City, Isabela- *Sugatan at natanggalan pa ng ngipin ang isang lalaki matapos itong pagtulungang bugbugin ng dalawang katao sa Brgy Naganacan, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Roberto Pascua, 55 anyos, may-asawa, habang ang mga suspek ay nakilalang sina Jefferson Jacob, at Peter Gaston, parehong 21 anyos, binata na pawang mga residente ng Purok 1, Brgy. Naganacan, Cauayan City, Isabela.


Batay sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Cauayan City, dakong alas 6:30 ng umaga kahapon habang binabaybay ng biktima ang lansangan ay biglang hinarang ito ng dalawang suspek at pinagsusuntok sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Agad namang rumesponde ang Kapitan at Kagawad ng Barangay na nagresulta sa pagkakahuli ng dalawang suspek.

Nasa kustodiya ngayon ng PNP Cauayan City ang mga suspek para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments