Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

I-sangag na ang kaning lamig habang i-ulam ang nilagang itlog at partner-an pa ng gatas.

Pasyalan na ang Ilocos Sur para sa Kawwanidan ‘Ylocos’ Festival habang maganda ang panahon sa buong Luzon maliban sa mga panaka-nakang mahihinang ulan sa Cordillera, Cagayan Valley, at Ilocos Region dulot ng hanging amihan.

Vitamin “sea” ba ang hanap? Puntahan na ang Alubihod Beach sa Guimaras habang maaliwalas ang panahon sa buong Kabisayaan maliban sa mga thunderstorms dulot ng easterlies.


#Neverstopexploring at akyatin ang Mount Pinukis sa Pagadian City habang mainit at maalinsangan  sa Mindanao maliban sa mga isolated thunderstorms.

Facebook Comments