Thursday, May 28, 2026

Gyera sa Middle East, China-Taiwan conflict, El Niño, hindi maituturing na “force majeure” sa Pilipinas

Sinopla ni Senator Risa Hontiveros ang depinisyon at interpretasyon ni Senator Robinhood Padilla sa “force majeure” o hindi maiiwasan/hindi kontroladong pangyayari.

Sa post ni Padilla sa social media, tinukoy ng senador na kasama sa “force majeure” ang gyera sa Gitnang Silangan na nagresulta sa oil crisis, ang China-Taiwan conflict na posibleng madamay ang Pilipinas at ang inaasahang matinding El Niño phenomenon.

Giit ni Hontiveros, ang mga tinukoy ni Padilla ay hindi matatawag na force majeure.

Punto ng senadora, malayo ang gyera ng Middle East sa Pilipinas at ang epekto na krisis sa langis ang siyang mas mabigat na dahilan kaya mas dapat pumapasok sila physically at ginagawa ang kanilang trabaho.

Maging ang kinatatakutang hidwaan aniya na Tsina at Taiwan, global warming at mga sanhi ng climate change ay matagal nang banta sa bansa at hindi kinakailangang i-online work pa ng mga mambabatas.

Dagdag ng senadora, ang mga ito aniya ang mga isyu na dapat nilang trabahuin “in person” at hindi kailangang bigyan daan para sa online debate at voting.

Facebook Comments