
Kinastigo ni Pangasinan Representative Mark Cojuangco ang mga polisiya o parakaran ng Department of Energy (DOE) at ang labis nitong pagdepende sa renewable energy.
Sinabi ito ni Cojuangco sa joint hearing ng House Committee on Energy at Committee on Legislative Franchises ukol sa nangyaring rotational brownouts kamakailan.
Ayon kay Cojuangco, isang ehemplo ng marketing ang panililinlang ng DOE sa taumbayan hinggil sa kakayahan ng wind and solar energy pero ang totoo ay hindi naman ito ang solusyon sa mga problema sa sektor ng enerhiya partikular ang paulit-ulit na power shortages.
Para kay Cojuangco, wala ding kasalanan ang National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa nararanasang kakulangan sa suplay ng kuryente dahil walang ibang palpak kundi ang Philippine Energy Plan na isang panaginip lamang.










