Lalaking dinilaan ang tenga ng hindi kilalang babae, arestado

1261
(Unsplash)

Nahuli ang isang 27-anyos na lalaki sa Japan matapos nitong yakapin at dilaan sa tenga ang hindi kilalang babae habang naglalakad ito sa kalsada noong Enero 9.

Kinilala ang suspek na si Takuro Ikemi, empleyado ng isang life insurance na sinasabing dalawang beses nang minolestiya ang biktima.


Ayon sa ulat, nakita ni Ikemi ang 18-anyos na biktima ilang buwan na nakalipas sa Fukuoka City nang magsimula umano siyang magkagusto rito matapos niya dilaan ang tenga nito noong Nob.5 nakaraang taon.

Samantala, iginiit ng babae na agad namang nakatakas mula sa pagkakayakap, hindi niya kilala ang suspek.

Nahuli si Ikemi sa pamamagitan ng surveillance camera ng lugar na agad siyang natukoy.

Humaharap siya sa kasong sexual assault matapos aminin ang krimen.

Facebook Comments