RIDER, PATAY SA MALAGIM NA AKSIDENTE SA URDANETA CITY

Malagim ang sinapit ng isang rider matapos ang isang malubhang aksidente na kinasangkutan ng isang truck sa Barangay Tulong, Urdaneta City, nitong May 2, 2026.

‎Ayon sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad, ang truck ay patungo sa city proper habang ang motorsiklo naman ay papunta sa bayan ng Binalonan.

Ayon sa awtoridad, bahagyang tumigil ang ang rider ng motosiklo upang lumiko sana ngunit dito na ito aksidenteng nabangga at pumailalim sa truck na nagresulta sa matinding pinsala sa rider, na agad nitong ikinamatay.

‎Ayon naman sa ilang saksi, nakaladkad pa umano at nahati ang katawan ng biktima pagkatapos ay nasunog pa ang truck na sangkot sa insidente.

‎Samantala, agad namang isinugod sa ospital ang angkas ng nasawing rider upang mabigyan ng agarang lunas.

‎Mabilis na rumesponde ang mga otoridad upang apulahin ang apoy at magsagawa ng clearing operations sa lugar.

‎Sa ngayon, napagkasunduan na ng pamilya ng biktima at ng driver ng truck na sasagutin na lamang nito ang gastusin sa pagkamatay ng rider at nagbayad ng paunang danyos sa insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments