
Pinaigting ng Philippine National Police ang mga operasyon nito kasunod ng pag-alburoto ng Bulkang Mayon na nagresulta sa ashfall sa bayan ng Albay nitong Sabado.
Nag-deploy agad ang Police Regional Office 5 ng mga personnel para mag-ayos ng trapiko sa mga kalsada pati na rin ang paglalagay ng mga checkpoint sa mga critical area para maiwasan ang pagpasok sa mga identified danger zone.
Tumutulong sa pamamahagi ng mga facemask ang PNP at patuloy na nakikipag-coordinate sa mga lokal na pamahalaan, Office of Civil Defense at mga disaster response office para suportahan ang evacuation, rescue, at relief efforts.
Nagpaalala naman ang Pambansang Pulisya sa publiko na manatili sa loob ng kanilang mga bahay habang nag-a-ashfall, magsuot ng mask at manatiling updated sa mga opisyal na abiso.










