Wednesday, April 29, 2026

Buffer stock ng langis ng bansa, nadagdagan pa ayon sa Malacañang

Nadagdagan pa ang buffer stock o nakareserbang suplay ng langis ng bansa, ayon sa Malacañang.

Ayon kay Palace Press Officer at PCO Usec. Atty. Claire Castro na batay sa ulat ng Department of Energy (DOE), umabot na sa 54 araw mula sa dating 52 araw ang suplay ng langis ng bansa.

Aniya, natalakay ito sa ginanap na Uplift Committee meeting sa Malacañang ngayong araw, kung saan napag-usapan din ang malawakang rollback sa presyo ng diesel.

Samantala, iniulat din ni Francisco Tiu Laurel Jr. ng Department of Agriculture kay Ferdinand Marcos Jr. na sapat ang suplay ng bigas, manok, at baboy sa bansa hanggang sa katapusan ng taon.

Facebook Comments