Pangulong Ferdinand Marcos Jr., pangungunahan ang pagbubukas ng bagong terminal ng Clark International Airport ngayong araw

159

Tutungo sa Pampanga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ngayong umaga.

Pangungunahan ng pangulo ang pagbubukas ng bagong terminal ng Clark International Airport sa Mabalacat City sa lalawigan ng Pampanga.

Bukod sa talumpati ng pangulo ay inaasahang bahagi rin ng event ang gagawing walk through o pag-iikot ng chief executive sa bagong terminal ng paliparan.


Ilan sa mga miyembro ng gabinete na makakasama sa okasyon ay si Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista at Department of Tourism (DOT) Secretary Cristina Garcia-Frasco.

Kaugnay nito ay mas maraming oportunidad sa employment, pamumuhunan maging sa turismo ang inaasahan sa pagbubukas ng bagong terminal ng Clark International Airport mamaya.

Facebook Comments