Lambda variant, hindi pa variant of concern sa Pilipinas ayon sa Philippine Genome Center

Hindi pa umano variant of concern ang Lambda variant.

Ito ang kinunpirma ni Dr. Cynthia Saloma, Executive Director ng Philippine Genome Center (PGC) sa isang virtual presser.

Ani Saloma, ang Lambda variant na unang natukoy sa Peru ay humihina na sa 33 bansa na


Kinumpirma rin ni Saloma na naunahan na ng Delta variant ang iba pang mga variant of concerns sa Pilipinas .

Ayon pa kay Saloma, mabilis ang pagtaas ng kaso ng Delta variant na natutukoy nila mula sa genome sequencing .

Kabilang sa mga lugar na mataas ang naitatalang Delta variant ay sa NCR at CALABARZON.

Nakapagtala na rin ng dalawang kaso ng Delta variant sa BARM.

Nasa 42 percent ang natukoy na Delta variant mula June hanggang July ngayong taon.

Facebook Comments