
Nasa 30 hanggang 50 na iba’t ibang uri ng baril ang hindi idineklara ni Vice President Sara Duterte sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) na nasa record ng Philippine National Police firearms division.
Ayon kay House Prosecutor at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon, ito ay kasama sa mga ebidensya na kanilang ipi-prisenta sa Impeachment trial sa ilalim ng alegasyong hindi maipaliwanag na yaman ni VP Duterte.
Binanggit ni Ridon na ang nabanggit na mga rifle, revolver, pistol, at shotgun ay pag-aari ni VP Duterte at asawang si Atty. Manases Carpio at tinatayang milyon ang kabuuang halaga.
Sabi ni Ridon, inaalam na nila kung sino ang dealers o pinagbilhan ng nabanggit na mga baril.
Facebook Comments










