
Iginiit ni Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña ang pangangailangan na makapagsagawa ng special session ang Senado at House of Representatives.
Sabi ni Cendaña, ito ay para maipasa ang panukalang P52.8 Billion supplemental budget para idagdag sa pondong nakalaan sa repatriation ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) at fuel subsidies para sa transport workers at tulong din sa mga magsasaka at mangingisda.
Katwiran ni Cendaña, sa muling pagsara ng Strait of Hormuz ay asahan ang pagtaas ng presyo ng petrolyo kaya dapat maipasa ang supplemental budget na pantugon dito.
Diin ni Cendaña, kailangang akbayan ng gobyerno ang mga manggagawa, commuter, magsasaka, at pamilyang Pilipino na unang tatamaan ng panibagong price shock.
Facebook Comments










