
“It is a fact finding mission not fault finding“
Ito ang pahayag ni SILG Jonvic Remulla sa ambush interview ngayong umaga sa harap ng tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame ,Quezon City.
Ayon kay Remulla, kukunin lang nila kung ano ang tunay na nangyari sa insidente ng Ateneo Team Building na nagresulta sa pagkakasawi ng dalawang basketball players sa Aurora noong June 8.
Tiniyak naman ni Remulla na pagkatapos makakalap ng impormasyon at matapos ang imbestigasyon ay magbibigay sila ng resulta sa nasabing insidente.
Nabatid na ngayong araw inaasahang dumating ang mga pinasubpoena ng CIDG kabila na ang mga coaches ,players at iba pang may kaugnayan sa insidente.
Kaugnay nito, nananatili ngayong nakabantay ang ilang mga pulis sa harapan ng tanggapan ng CIDG ngayong umaga.
Lumabas na rin ang ilang mga nakaputing indibidwal mgunit di pa tiyak kung sila ay mga abogado ng mga nasabing pinasubpoena.










