Libreng ospital para sa mga OFW bubuksan ng DOLE

Pasisinayaan ng Department of Labor and Employment o DOLE ang isang ospital sa San Fernando, Pampanga na inilaan para sa mga Overseas Filipino Workers o OFW sa Mayo 1.

Ayon kay Labor Undersecretary Ana Dione, ang DOLE-OFW Hospital ay inisyatibo ni Labor Secretary Silvestre Bello III bilang handog ng administrayon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa milyun-milyong manggagawang Filipino na nag-aambag ng bilyones na dolyar sa kaban ng bayan at paglago ng ekonomiya ng bansa.

Bukod sa OFWs, kasama rin sa maaaring gumamit ng libreng serbisyo ng DOLE OFW hospital  ang kanilang mga pamilya.


Nilinaw ng DOLE, na ang nabanggit na ospital ay eksklusibo lamang sa OFWs at kanilang mga dependent.

Ang DOLE-OFW Hospital ay popondohan sa pamamagitan ng donasyon katuwang ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), na suportado ng Department of Health (DOH) at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Inaasahang matatapos ang ospital sa susunod na dalawang taon.

Facebook Comments