Liderato ng Kamara, tiwalang magiging masagana ang bansa ngayong 2024

 

Buo ang kumpiyansa ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, na magiging masagana ang hinaharap ng bansa ngayong 2024 sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Diin ni Romualdez, ito ay dahil ang pananaw ni Pangulong Marcos ay umaayon sa hangad na pag-unlad ng lahat.

Tiwala rin si Romualdez, na ngayong taon ang simula ng panahon ng pagyabong, katatagan at tagumpay.


Bunsod nito ay hinihiling ni Romualdez sa bawat isa na magtulungan at maglingkod sa kapwa.

Sabi ni Romualdez, ito ay upang magpatuloy at lumawig pa ang mga tagumpay na natamo sa nakalipas na taon kung saan may mahalagang papel na ginampanan ang bawat isa para mapabuti ang kalagayan ng bawat Pilipino.

Facebook Comments